Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kaya lipad sa Kapamilya: Lovi ‘di kinaya tapyas TF ng GMA

0 30

Kumpirmado na nga ang paglipat ni Lovi Poe mula sa GMA-7 to ABS-CBN. Siyempre, maraming Kapuso ang nanghihinayang dahil no doubt naman na isa si Lovi sa talagang mahusay na aktres ngayon.

At parang “sky is the limit” naman sa kanya in-terms of what she can do as an actress at kung ano rin ang kaya niyang ibigay sa mga sexy and daring scenes.

Marami ang nagtatanong, bakit ito lumipat? Bakit katulad ng iba ay mas pinipili pa rin na lumipat sa ABS-CBN na sa ngayon ay wala pa rin talagang franchise at nakakapag-operate.

Siyempre, maraming haka-haka at ‘yung iba, pwedeng accurate o ‘yun talaga ang katotohanan. Pero ending, ‘yung artista o management nito ang totoong makakapagsabi ng totoong dahilan.

Ang alam namin sa ngayon, ewan lang din kung same sa case ni Lovi na tila hindi pumapayag ang ibang artista kapag binababaan ang panibagong kontrata nila ng talent fee. Eh, medyo malaki raw talaga ang nababawas ngayon, mainly siguro because of pandemic nga.

Pero how true na sa unang serye ni Lovi bilang isang Kapamilya, si Piolo Pascual nga ba ang magiging leading man niya? (Rose Garcia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.