Una sa Balita

Kay Pacquiao kayo, kay Broner ako! — Garcia

Kay Pacquiao kayo, kay Broner ako! — Garcia

By
0 1,125

MARAMI ang naniniwalang mananalo si eight-division champion­ Manny ‘The Pacman’ Pacquiao kontra Adrien Broner sa kanilang January 2019 encounter.

Hindi kasali si Danny Garcia doon.

“I know a lot of people are picking Pacquiao. I’m going to go with Broner in an upset,” deklara ni Garcia.

Tingin ng boksingero, mangingibabaw ang kabataan at lakas ng 29-anyos na former four-division titlist na si Broner kum­para sa magka-kwarenta nang WBA welterweight ruler na si Pacquiao.

“He’s (Broner) younger. I think the concern is that Pacquiao is going to outwork him. If (Broner) lands cleaner punches and ups his work rate a little bit, I think he can win the fight,” dada pa nito.

Nakatakda sa Enero 19 (January 20 sa Pilipinas) ang upakan ng dalawang boksingero at magkakaroon sila ng two-city press tour sa darating na Lunes (New York) at Martes (Los Angeles) upang pormal na ianunsiyo ang sagupaan.

Isa si Garcia sa ikinukunsiderang sunod na makakalaban ni Pacquiao sa 2019 makalipas ang Broner fight kung hindi matutuloy ang ni­lulutong rematch naman sa tumalo sa kanyang si Floyd Mayweather, Jr. taong 2015.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy