Una sa Balita

Kawhi wapakels sa mga fan, gusto lang manalo

0 390

Minsang nag-usap sina Toronto Raptors coach Nick Nurse at kamador niyang si Kawhi Leonard tapos ng 82-game regular season.

“Just practice,” sabi ni Leonard sa mga larong ‘yun.

“That’s when I knew that this guy has another gear that he was going to get to,” tanaw-balik ni Nurse.

Bilang ang salitang luma­labas sa bibig ni Leonard, hinahayaan lang ng 2014 NBA Finals MVP na ang laro niya ang magsalita.

At sa Finals ngayong taon, binalikat niya ang Raptors sa 3-1 lead kontra two-time champion Golden State.

“It’s not over yet,” giit ni Leonard.

Tawag na kay Leonard ay “King of the North” sa Toronto.

Naga-average siya ng 30.8 points at 10.3 rebounds sa finals. Sa kabuuan ng playoffs, 31.1 points at 9.1 rebounds. Ang elite club ng shooters sa NBA ay ang mga tinatawag na “50-40-90” – 50% mula sa field, 40% sa 3-point range, 90% sa foul line. Si Leonard ay 49.8% shooting, 39% sa 3s at 89% sa stripe sa postseason.

Para kay Nurse, ang kanyang player ang ‘best team player’ na nakita niya.
Si Leonard, tulad ng dati ay walang emosyon. Kung meron,­ pigil. Mahalaga sa kanya, manalo.

“I don’t play hero basketball,” pahayag niya pagkatapos ng 105-92 Game 4 win. “I’m not playing for fans. I’m just playing to win. I’m not out here trying to break records.”

Ayaw man niyang aminin, nakasakay sa kanya ang Raptors at ang fans na umaasa sa unang titulo. Isang panalo pa. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy