Una sa Balita

Kawhi, Lowry nagising, Raptors tabla sa Magic

0 332

NAWALA sa scoreboard si Toronto Raptors guard Kyle Lowry nang matalo sila sa Orlando Magic.

Nagliyab si Lowry,­ kasama si Kawhi Leonard,­ sa Game 2 nang sindihan ang pambawing 111-82 win.

Umiskor si Leonard­ ng 37, naka-22 si Lowry Martes ng gabi at ibinuhol ng Raptors ang East playoffs sa 1-1.

May 19 points at 10 rebounds pa si Pascal Siakam sa Toronto, hindi naghabol at dumistansiya pa hanggang 34.

Lipat ang Game 3 sa Orlando sa Sabado (araw sa Manila).

Siyam na sunod na panalo ang tinuhog ng Magic sa sariling teritoryo, hindi pa sila natatalo doon sapul nang masilat ng Chicago noong Feb. 22.

“He did a great job bouncing back,” ani Leonard patungkol kay Lowry.
Walang naipasok si Lowry sa pitong attempts noong Game 1, Martes ay 8 of 13 siya mula sa floor at may 7 assists.

“He was big time tonight,” papuri ni coach Nick Nurse sa kanyang guard. “That’s him at his finest.”

Tumapos si Leonard ng career playoff-high 25 field goals kahit maagang nasa foul trouble. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy