Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kawhi kalabaw, Clippers abante

0 122

SWAK sa second round ng 20019-2020 NBA playoffs ang Los Angeles Clippers sa kauna-unahang pagkakataon sapul noong 2015.

Nahirapan sa mga laban, nahimasmasan ang Clippers nang patalsikin nila ang Dallas Mavericks, 111-97, Lunes sa Game 6 ng kanilang best-of-seven series.

Nangalabaw si Kawhi Leonard ng 33 points, 14 rebounds at pitong assists para ilista ang 4-2 bentahe at sumampa sa susunod na stage.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Wala namang dapat ikahiya ang Mavericks sa pangunguna ni Luka Doncic dahil kahit kulang sa armas ay ipinakita nilang lumaban sila hanggang sa dulo.

Pinasan ni Doncic ang opensa ng Mavericks dahil hindi muling nakapaglaro si Kristaps Porzingis na garahe na sanhi ng injury nito sa tuhod.

Tumikada si Doncic ng 38 markers at tig-siyam na rebounds at assists.

Bumakas naman sina Paul George at Ivaca Zubac ng tig-15 puntos para sa Clippers. (Elech Dawa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.