Una sa Balita

Kawhi diyeta kontra Kings

0 615

SHUTOUT si Kawhi Leonard sa stretch at ­tumukod ang Los Angeles Clippers sa ­Sacramento Kings 112-103 nitong Sabado.

Higit limang minuto sa dulo ng laro na ­hindi umiskor si Kawhi o ang Clippers, ­tinapos ng Kings ang laro sa 10-0 run tampok ang ­pandiin na dakdak ni Harry Giles 58 seconds na lang.

Sa pangalawang pagkakataon sa loob ng walang isang buwan, tinalo ng Kings ang ­Clippers. Kumportable sa third ng Western ­Conference ang Clippers (37-19), binigyan ng extended rest sina Paul George at Patrick ­Beverley para makarekober mula injuries.

Pinangunahan ng season-high 23 points ni Kent Bazemore ang Sacramento, nagdagdag ng 20 si Bogdan Bogdanovic.

Umayuda rin ng 20 markers at 8 assists si De’Aaron Fox para sa Kings na sa 23-33 ay ­umakyat na sa 12th ng West. Nakadalawang ­sunod na ­panalo ang Sacramento pagkatapos ng All-Star break at 8 of 12 overall.

Napakawalan ng Sacramento ang 14-point lead sa second half pero nakabawi nang igapos si Leonard.

Umiskor pa rin ng 31 si Leonard sa unang laro pagkatapos ng MVP performance sa Chicago. ­Nag-ambag ng 24 si Lou Williams, may 16 points at 10 rebounds si Montrezl Harrell.

Inagaw ng LA ang manibela sa bucket ni ­Harrell 8:30 sa laro, binawi ng Kings sa ­putback ni Harry Giles na sinundan ng clutch 3 ni ­Bogdanovic. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More