Una sa Balita

‘Kawayan’ tugon sa climate change

0 253

PANGUNGUNAHAN ng Ecosystems Research and Development Bureau (ERDB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 1st ASEAN Bamboo Congress for Climate Change Adaptation towards Environmental Sustainability and Economic Resiliency na gaganapin sa darating na Agosto 12 hanggang 16 sa Iloilo International Convention Center sa Iloilo City.

Ito ay inaasahang dadaluhan ng mahigit na 200 researcher, academic,­ policy maker, professional at business group mula sa ASEAN region upang talakayin at makipagpalitan ng impormasyon tungkol sa kawayan at mga sustainable environmental stra­tegy, kabilang pa rito ang mga opis­yal ng International Network for Bamboo and Rattan (INBAR) mula Beijing, China, World Bamboo Organization at mga kinatawan mula sa Australia, USA at China.

Ayon kay ERDB Director at National­ Coordinator ng Bamboo Plantation Development Project (BPDP) Dr. Sofio B. Quintana, bahagi ng pagpupulong ang pagkilala sa kahalagahan ng kawayan at kung paano nito mapapagaan ang epekto ng climate change.

“Bamboo is considered as a valua­ble economic and environmental resource, and ERDB hopes to continue to innovate ways on increasing awareness on the promising potentials of bamboo especially in attaining environmental sustainability and econo­mic resiliency,” sabi ni Quintana. ­(Dolly Cabreza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy