Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kawatan umangas sa mga pulis, sugatan

0 102

Sugatan ang isang hinihinalang magnanakaw ng motorsiklo matapos itong manlaban sa mga pulis habang nire-rekober ang tinangay niyang sasak­yan sa Tondo, Maynila noong Lunes.

Sa ulat, nagtungo ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa bahay ng suspek na si Romeo Garcia sa Capulong St., sa Tondo bandang alas-11:00 ng umaga noong Lunes matapos makumpirmang doon niya dinala ang tinangay niyang itim na Suzuki Raider 150cc na may plate no. NG79152 habang nakaparada ito sa harap ng Paltok Elementary School sa Basa St. sa Brgy. Paltok, Quezon City.

Nang puntahan ito ng mga tauhan ng Masambong Police Station bitbit ang warrant of arrest sa iba pa nitong kasong theft na inisyu ni Metropolitan Trial Court Branch 28 Judge Andy A. De Vera para sa kasong theft, tumanggi ang suspek na sumuko at sa halip ay bumunot ito ng cal. 38 revolver at pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti ng putok­ ang isang pulis at tinamaan ito sa katawan.

Bukod sa patong-patong na niyang mga asunto, sasampahan pa ang suspek ng mga kasong paglabag sa RA 10883 (Anti-Carnapping Law), Direct Assault with Attempted Homicide, RA 10591 at Omnibus Election Code. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.