Una sa Balita

Kawatan ng mga sasabunging manok huli sa akto

0 362

Kulong ang isang 37-anyos na lalaki na dumayo pa sa lugar upang magnakaw nang naaktuhan habang isinisilid nito ang isang sasabungin manok sa kanyang backpack sa Bacoor City, Cavite.

Nakakulong ngayon sa Bacoor Custodial Center ang suspek na si Jay Hesman, isang obrero ng Phase 1 Excess Lot Brgy Paliparan, Dasmarinas City, Cavite dahil sa reklamo ni Dindo Pongos, 39, binata, driver ng Block 1 Lot 22 South Susana Homes Brgy Molino 2, Bacoor City, Cavite.

Sa ulat ni PSSgt Roy Vincet Reyes ng Bacoor City Police Station, dakong alas-12:30 kahapon ng madaling araw nang naaresto ang suspek sa aktong ipinapasok nito ang isang sasabunging manok sa loob ng kanyang backpack sa bakuran ng bahay ng biktima.

Natutulog ang biktima nang pumasok ang suspek sa kanilang bakuran bago dinampot ang isang sasabunging manok at isisilid sana sa kanyang backpack pero nagising ang biktima sa ingay ng kanyang sasabungin manok na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto .

Nabatid na ginupit ng suspek ang bakod sa bakuran ng biktima na gawa sa barb wire saka ito pumasok at tinangkang magnakaw ng sasabunging manok.

Kasong trespass to dwelling, attempted theft at malicious mischief ang isinampa laban sa suspek. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy