Una sa Balita

Kawatan ng kable sa Harrison Plaza tiklo

0 304

Arestado ang ­24-anyos na lalaki na nagtangkang magnakaw ng mga kable ng kuryente sa Harrison Plaza Mall sa Malate, Maynila kamakalawa.

Sinampahan ng ­kasong theft sa ­Manila Prosecutor’s Office ang suspek na si Renato Cayubit, residente ng MTPB Impounding Area, A. Mabini St., Malate.

Nahuli umano sa akto ng security guard ng ­gusali ang suspek na pinuputol ang mga kable ng kuryente sa roof deck ng air conditioning house unit.

Narekober sa ­suspek ang isang malaking ­plastic bag na nagla­laman ng mga electric wire na nagkakahalaga ng P1,000. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More