Una sa Balita

Kauna-unahang sea ambulance sa Calabarzon, naglayag na

0 268

NAGLAYAG na ang kauna-unahang sea ambulance na binili ng Department of Health (DOH)-Calabarzon para sa mga pasyenteng nasa liblib na lugar na kinakailangan ng agarang serbisyong medikal upang agad na madala sa pinakamalapit na ospital.

Sinabi ni DOH-Calabarzon Regional Director Eduardo Janairo na layon ng paglalagay ng sea ambulance ay mapagkalooban ang mga pasyenteng may karamdaman na naninirahan sa malalayong lugar o ang tinatawag na geographically isolated and disadvantage areas (GIDA) na mabilis na maisugod sa ospital.

Ang sea ambulance na nagkakahalaga ng P21 milyon ay nabili sa pamagitan ng sub-allotment fund mula sa DOH-Central office sa pamagitan ng Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ay idineploy sa bayan ng Panukulan, Quezon kung saan maseserbisyuhan nito ang Polilio Group of Island.

Ayon pa kay Janairo na maglalagay din ng medical equipment at emergency kits sa loob ng sea ambulance na magamit ng pasyente habang naglalayag patungo sa Claro M. Recto Memorial District Hospital (CMRMDH).

Pito pang sea ambulance ang planong bilhin ng DOH-Calabarzon para sa isla sa Quezon para masiguro ang mabilis na maisugod ang isang pasyente sa ospital. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy