Una sa Balita

Kauna-unahang PBA collectible figures inilunsad ng Ginebra San Miguel

L.A. Tenorio, JayJay Helterbrand, Mark Caguioa, Japeth Aguilar at Greg Slaughter
0 8
pba-ginebra-collectible-figures
L.A. Tenorio, JayJay Helterbrand, Mark Caguioa, Japeth Aguilar at Greg Slaughter

Lima sa pinakapaboritong manlalaro ng Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings na sina LA Tenorio, Mark Caguioa, JayJay Helterbrand, Greg Slaughter at Japeth Aguilar ay maaari nang maiuwi sa “Bring Home the Kings” collectible fi­gures promo ng Ginebra San Miguel Inc. (GSMI).

“Ito ang kauna-una­hang pagkakataon sa kasaysayan ng basketball sa Pilipinas na nagkaroon ng collectible figures ang mga PBA players. Ang bawat collectible figure ay hand-painted kaya tiyak ang mataas na kalidad ng mga ito,” ani Ginebra San Miguel brand mana­ger Paolo Tupaz.

Para makasali sa promo, mangulekta lamang ng limang selyo ng Ginebra San Miguel o Vino Kulafu o kahit tatlong caps ng Primera Light Brandy, GSM Blue at GSM Blue Flavors para makabili ng isang collectible figure sa halagang P150 sa Puregold at GSMI partner outlets sa buong bansa.

Para sa mga karag­dagang detalye, i-like ang official Facebook page ng Ginebra San Miguel­www.facebook.com/barangayginebra, bisitahin ang website www.ginebra­sanmiguel.com o tumawag sa customer care hotline 632-2564.