Una sa Balita

Kauna-unahang electric plane lumipad sa Canada

0 436

Sa kauna-unahang pagkakataon, isang electric commercial aircraft ang napalipad sa pamamagitan ng kuryente.

Isinagawa ang test flight ng kauna-unahang fully electric commercial aircraft sa buong mundo noong Martes sa Vancouver, Canada, ayon sa Gulf News report.

Dinisenyo ng Seattle-based engineering firm na magniX ang motor ng eroplano sa pakikipagtulu­ngan sa Harbour Air, na naghahatid sa milyong pasahero sa Vancouver, Whistler ski resort at mga kalapit na isla at mga coastal community.

Tumagal ang pagpapalipad sa DHC-2 de Havilland Beaver seaplane ng 15 minuto.

Maliban daw sa matipid ito, zero emission ito o environment friendly.

Dadaan pa ang e-plane sa maraming test para makumpir­mang ligtas ito habang ang kanyang electric motor ay kailangan pang sertipikahan ng mga regulator. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy