Una sa Balita

Katy, Taylor madalas nang magchikahan

0 270

Balik na sa pagkakaibigan sina Katy Perry at Taylor Swift. Sa show ni Ellen DeGeneres, nilinaw ni Katy na okey na okey na talaga sila ni Taylor.

“Misunderstanding” lang daw ang nangyari sa pagitan nila noon.

Kuwento pa ni Perry, habang nasa “Reputation” tour ang kaibigan, nagpadala pa siya ng little olive branch para kay Swift at tuwing magkakasalubong sila sa gitna ng maraming tao ay nagbabatian naman sila.

“We have such big groups of people who like to follow us,” idiniin pa ni Perry at nais niya na maging maganda silang example sa kanilang mga fan o follower dahil ang bawat fan group din nila ay hindi na rin nagkakamabutihan noong panahon na may problema sa pagitan nila ni Swift kaya napagdesisyunan nila na ayusin nalang kung ano man ang hindi nila naunawaan sa isa’t isa.

“I’m all about redemption and forgiveness and for setting an example for those younger people, that it can be cool to ask for forgiveness, and confront someone that you may have an issue with or a problem with and talk it out,” dagdag pa ni Perry.

Dahil diyan, mas lalong hinangaan ng mga tao ang dalawa sa pagiging ‘mature’ sa pag-handle ng mga sitwasyong hindi inaasahan.

Abala naman ngayon ang singer sa kanyang nilabas na music video na “Small Talk” noong August at nakatakda siyang mag-perform sa David Lynch Foundation’s Silence the Violence benefit concert na gaganapin sa Anthem in Washington, D.C. ngayong taon sa October 11. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy