Una sa Balita

Katy, Orlando pakakasal sa Sept. 15

By
0 2,506

Kumalat sa social media ang balitang magpapakasal na sina Katy Perry­ at Orlando Bloom sa September ng taong ito. Pero may mga nagsasabi na inaccurate ang balitang ito.

Ayon kasi sa Woman’­s Day New Zealand, naka-set na raw ang wedding nina Katy at Orlando on September 15.

“They’ve been talkin­g about it on and off for months, and they’re finally ready to take the plunge.

“They are planning a traditional ceremon­y to take place at Hudson’s Los Angeles home, with her pa­rents, who are pastors, serving as the officiants. She wants to have a proper wedding this time,” ayon sa isang source.

Una kasing kinasal si Katy sa singer-comedian na si Russell Brand sa India noong 2010, pero nag-divorce sila noong 2012.

Si Orlando naman ay kinasal sa Victoria’s Secret supermodel na si Miranda Kerr noong 2010. Nag-divorce sila noong 2013.

“They both want a traditional wedding, and yes, Katy has lined up a white wedding gown,” dagdag pa ng source.

Kasama pa nga sa guest nila on their wedding ay sina Rihanna, Leonardo DiCaprio, Tobey Maguire, Miley Cyrus, Sia and Robert Pattinson.

Isang dahilan din daw kung bakit binisita nina Katy at Orlando ang Pope sa Vatican City ay para makahing­i sila ng blessing rito.

“She whispered to His Holiness that she would love his blessin­g for their future wedding,” sey pa ng source.
Parehong nag-dec­line to comment ang reps nila Katy at Orlando tungkol sa pagkalat ng wedding plans na ito. (Ruel Mendoza)