Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Katutubo nag-titser para turuan mga katribo

0 203

Nagsilbing inspirasyon ang kwento ni Teacher Julito G. Dewil, na kauna-unahang katutubong Manobo Teacher mula sa Sitio Lanao Kapanglao.

Kuwento ni Teacher Julito, bago niya naiuwi ang kanyang diploma ay nakaranas siya ng pangungutya sa kanyang mga kamag-aral.

Bagama’t malayo ang agwat ng kanyang edad sa mga kaeskuwela, pinursige niyang makapagtapos hindi lang para sa kanyang pamilya kundi para na rin sa kanyang sarili.

Dahil sa pangarap, nakapagtapos sa kolehiyo si Julito at nakapasa sa Licensure Examination for Teachers. Ngayon ay pinili niyang bumalik sa kanyang komunidad upang matulungan ang kanyang mga katribo.

“Yung mga kapitbahay ko na illiterate, kailangan talaga na ma-assist ko sila para matuto silang bumasa. Yung magulang ko noon, sila ang nagtiyaga na nagkayod para mapaaral ako. Ngayon gusto kong ibalik sa kanila lahat ng paghihirap nila,” sambit ng guro.

Nabatid na tinitipon niya ang kanyang mga kapitbahay at kapwa katutubo, kasama na ang kanyang ina at ama, tuwing Sabado at Linggo upang magturo ng pagbabasa at pagsusulat.

Payo ni Teacher Julito “Mga kabataan, ang edukasyon ang magiging tulay, susi ng inyong pangarap.”

Unti-unti namang nag-iba ang pananaw sa edukasyon ng ilang residente sa paligid ng Segafu Esgapo Integrated School sa Glan, Sarangani dahil sa napagtagumpayan ni Teacher Julito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.