Una sa Balita

Katulong na may baril, ipinakulong ng amo

By
0 575

HINDI na nagdala­wang-isip pa ang isang may-ari ng karinderya na isumbong sa pulisya ang kanyang katulong sa kainan matapos na makitaan niya ito ng baril na nilalaro habang umiinom ng alak, kamakalawa nang mada­ling-araw sa Pinagbuhatan, Pasig City.

Kasalukuyang nakakulong ngayon sa Pasig detention cell at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearm and ammos si Jerom Laurente y Montesclaros, 26-anyos, helper at residente ng Brgy. Pinagbuhatan.

Batay sa report, magsasara na ang Boy’s Eatery na matagpuan sa Blk. 16 cor. Eusebio Ave., Nagpayong, Brgy. Pinagbuhatan bandang alas-2:30 kamakalawa nang madaling-araw nang makita ng may-ari ng kainan na umiinom ng alak ang suspek habang nilalaro ang isang baril.

Sa takot ng may-ari ng kainan ay agad na ini-report sa mga pulis na nakatalaga sa PCP 8 at pinadampot ang kanyang boy sa takot na baka may gawing masama ito dahil sa hawak na baril.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang baril na .38 revol­ver na mayroong dalawang bala at walang papeles.