Una sa Balita

KaTropa luhaan uli

0 367

LUPAYPAY na natapos ang season ng TNT, nasilat sa Meralco sa deciding Game 5 ng kanilang PBA Governors’ Cup semis 89-78 noong Lunes sa Antipolo.

Ganu’n-ganu’n lang, at nabigo ang misyon ng KaTropa na makabalik sa finals.
Runner-up ang TNT sa midseason Commissioner’s Cup, yumuko sa San Miguel Beer sa anim na laro.

Sa decider kontra Bolts, nagsumite si KJ McDaniels ng game-high 30 points at 13 rebounds, may double-double ding 15 at 10 si Bobby Ray Parks.

Malamig na nag-umpisa sina Jayson Castro at Troy Rosario bago tumapos ng 11 at 10.

Nagsumite ng 10 points si RR Pogoy, pero naka-dalawa lang sa last three quarters.

Umabante pa ang TNT 42-35 sa dulo ng second quarter, mula roon ay nawalan ng signal at hindi makontak ang basket.

Inagaw ng Meralco ang lead 66-61 sa third, inilayo hanggang 84-68 sa fourth.

Humirit ng puntos sina McDaniels, Castro at Rosario sa stretch, pero ibinaba lang ang lead at hindi naagaw.

Sumugal ang coachin­g staff ng Ka­Tropa nang sorpresang itapat si David Seme­rad kay Allen Durham. Epek­tibo sa umpisa, pero nakabawi ang Meralco import at tumapos pa rin ng near triple-double na 28 points, 10 rebounds at 8 assists. (Vladi Eduarte)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More