Una sa Balita

Katrina todo-rampa sa Singapore at Malaysia

By
0 7

Isa si Katrina Halili sa Kapuso stars na talaga namang sinamantala ang long vacay nitong All Saints’ and All Souls’ Day.

Nitong mga nakaraang buwan ay super busy nga siya, kaya nang magkaroon ng chance para sa superbonding sa kanyang anak na si Katie at sa mga kaanak, ay rampa talaga sila sa Si­ngapore at Malaysia.

Nilibot nila ang dalawang bansang ito na magkalapit lang naman, pero ang super priority ng super momsie ay ang ma-enjoy ng kanyang anak ang quality time nila together.

May-I-bring nga siya sa kanyang anak na mala-educational tour na rin dahil sa pasyal blues nila sa Botanical Garden at Singapore Wildlife and Zoo.

Minsan na rin kaming ­nagawi sa lugar na ‘yun, at talaga ­namang bukod sa mabubusog ka sa mga bonggang tanim at mga ­animals, ay marami ka rin tala­gang matututunan.

Nakabalik na ang buong ­pamilya niya at naghahanda na raw ito sa isang proyekto uli sa GMA at ayaw pa niyang ibulgar ang detalye nito.

Christian engaged na

Humabol si Christian Bautista sa mga soon-to-be-married na mga celebrity natin bago matapos ang taong 2017.

Ang dyowa ni Christian na si Kat Ramnani ay isang part-time model at head content for music sa isang telecommunications company.

Hindi gaanong publicized ang relasyon ng dalawa kumpara sa ibang celebrities na ikakasal na rin, pero ‘yun daw ta­laga ang gustong mangyari ng magdyowa.

Aba, nakadalawang taon na pala sila, kaya ‘yung marriage proposal ng Kapuso singer ay hinog na rin talaga.

At 36 years old na siya, huh! Nasa edad na talaga.

Mabuti naman dahil noon, minsan na ring nakuwestiyon ang sexual prefe­rence nito, huh!

Bongga nga ang proposal na ‘yun dahil ginawa pa ito ng singer-actor sa romantikong lugar ng Europe.

Gusto nga sana raw niyang mag-propose sa isang kilalang tourist spot na kanilang pinuntahan, pero bigla niyang naisip na masyado itong publiko kaya sa loob na lang ng kanilang hotel siya nag-propose.

Wala pa ring inila­labas na detalye ang da­lawa kung kelan talaga magaganap ang kasalan at kung saan.

Wait and see na lang daw ang lahat, huh!

Donna payag sa remake ng DoReMi

Nang makatsika­han namin si ­Donna Cruz sa Cebu kamakailan lang, iginiit niya na hindi naman daw siya magbabalik-showbiz kahit marami talaga ang nag-i-encourage sa kanya.

Lalo na nga’t nang maging viral ang kanyang music video, ilang libong fans niya ang tala­gang naka-miss sa kanya dahil kung maaalala, nasa kasikatan siya noon nang magdesisyong magpakasal kay Dr. Yong Lardizabal.

Pero, nang mapag-usapan ang reunion meeting nila nina Mikee Cojuanco, at Regine Velasquez sa nakaraang concert ni Ms. Regine, marami talaga ang nag-react na bakit hindi ibalik ang ­sikat na triumvirate na ito.

Naging ma­laking hit noon ang movie nilang DoReMi kaya sana raw ay gawin nilang muli ito.

­Parang part 2, kumbaga.

Kung ‘yun daw ay papayag si Donna na muling sumabak sa pelikula.

Kasi, para sa kanya, parang hindi siya gumagawa ng pelikula kung kasama niya ang dalawa na enjoy-enjoy lang ang drama.

Ayaw naman daw niyang pangunahan ang Viva Films o kung sino ang interested na gawin ito, pero kung may mag-offer at okey rin sa dalawa, go siya!

Naku, sana nga ay maisipan ito ng Viva, huh!

Wil Dasovich patuloy na lumalaban sa sakit

Isa si Will Devaughn sa sob­rang concern sa present status ng dati niyang PBB housemate na si Wil Daso­vich na lumalaban ngayon sa sakit na colon cancer, stage 3.

Naging magkaibigan ang dalawa, at ma­ging siya raw ay nagulat dahil sobrang health conscious si Wil at makikita nga ito sa mga nakaraang video posts nito na naging viral din.

Kaya, maging siya raw, kahit ganu’n ka-health conscious din ay hindi rin niya alam ang ma­giging kapalaran niya dahil anything raw can happen ­naman.

Samantala, sa latest update ni Wil, meron daw nakitaan sa kanyang lungs, pero hindi pa raw alam kung ito ba ay cancer cell o hindi.

Ang pinaka-worry niya, kasi nga alam niya na ang u­nang tina­tamaan ng colon cancer kapag ito ay kumalat ay ang lungs nga.

Dadaan pa rin si Wil sa panibagong CT scan para malaman kung ano nga ‘yung nakita sa kanyang lungs.

Let’s keep on ­praying for him!