Una sa Balita

Katrina todo-handa bilang ‘Black Darna’

Inunahan si Liza

By
0 3,350

Karay-karay ni Katrina Halili ang anak na si Katie habang nagti-training siya para sa pelikulang ginagawa. Sa video niyang pinost sa Instagram, pabiro niyang binantaan si Me­gan Young na humanda na sa labanan nila sa The Stepdaughters dahil mas marami na siyang alam na fighting skills, huh!

“Ganyan na ba ang fight scenes natin sa The Stepdaughters?” tanong ni Megan sa post ni Katrina.

Ang nagti-train kay Kat ay si Erwin Tagle, isang mixed martial ar­tist. Ipinagmalaki rin niya kay Paolo Paraiso na nasa lugar rin kung saan nagti-training siya.

Nagulat lang kami sa isa sa hashtags na ini­lagay ng Kapuso actress – #blackdarna. Pumapel na kasi si Katrina bilang Black Darna nu’ng nasa GMA pa ang rights ng Mars Ravelo creation.

Aba, kung nakapagsyu­ting na si Katrina bilang Black Darna, naunahan pa niya si Liza Soberano na maging ‘white’ Darna, huh!