Una sa Balita

Katrina tameme sa panlalait ni Megan

By
0 3,173

Matatalim at tumatagos ang linya ni Mayumi (Megan Young) sa The Stepdaughters at handang-handa na siyang ibalik ang lahat ng sama ng loob na ibinigay sa kanya ng mga umaapi sa kanya.

Please welcome Mayumi 2.0 dahil hindi na siya titiklop ngayon at makapapayag na tapakan ang pagkatao niya. Lalaban na si Mayumi at walang makakapigil sa kanya!

“Lahat ng nasa katawan mo, ultimo lipstick na gamit mo, ay dahil sa pera ng ama ko!” ganiyan lang naman ang sagot ni Mayumi sa patutsada ni Isabelle (Katrina Halili) na ‘What a cheap dress’ kaya naman tiklop ang malditang kapatid niya. Simula na ang totoong salpukan sa pagitan nila kaya abangan ang mas maiinit pang mga eksena sa The Stepdaughters!

Baguhang aktres kinukurot ang sarili dahil kina Nora, Cherie, Gina

Si Jo Berry ang pinakabagong Kapuso na magpaparamdam sa atin ng isang Extraordinary Love dahil isa siya sa mga bibida sa bagong serye ng Kapuso Network. Tuloy-tuloy na ang kanilang taping pero hanggang ngayon pala ay hindi pa rin maramdaman ni Jo Berry na totoo ngang bida na siya at katrabaho pa niya ang mga batikang aktres gaya nina Nora Aunor, Cherie Gil at Direk Gina Alajar!

Pagbabahagi niya sa isang Instagram post kung saan kasama niya sa litrato ang tatlo, tuwing umaga ay kinukurot-kurot pa rin niya ang sarili para i-check na hindi siya nananaginip. Malaking hamon kay Jo Berry na maitawid ang kanyang karakter pero motivated siya sa trabaho dahil inspired siya sa mga kasamahan niya.

Millennial sound ni Kyline benta sa mga fan

Mapapanood na sa YouTube channel na Spotlight Music Sessions ang cover ni Kyline Alcantara sa kantang ‘Sundo’, at inulan agad ito ng suporta mula sa kanyang mga fan. Patikim pa lang ni Kyline ito para sa kanyang upcoming album under GMA Records at mas lalong na-excite ang fans niya dahil dito.

Ayon kay Kyline, goal niya ang bigyan ng millennial sound ang mga kinalakihan niyang kanta, at sa ‘Sundo’ cover niya ay napatunayan niya ito. Bilib na bilib ang mga fan kay Kyline, dahil kahit anong subukan nito mapa-singing o acting ay talagang achieve na achieve niya ang mga ito.

Marami pang aabangan sa Kapuso star, at sa ngayon ay parami na ng parami ang sumusuporta sa kanya. Congrats, Kyline!

Aicelle pinarangalan

Isa na namang pagkilala ang natanggap ni Aicelle Santos pagdating sa pag-arte dahil siya ang hinirang na Outstanding Female Featured Performance in a Musical para sa Maynila Sa Mga Kuko Ng Liwanag. Ito ang dagdag-bala ni Aicelle para mas ganahan siya sa performance bilang ‘Gigi’ sa Miss Saigon.

Puspusan ang rehearsals ni Aicelle, at kita sa mga updates sa kanyang Instagram na ganado ang Kapuso star sa pag-eensayo. Kasabay nito ang pag-promote niya hindi lang sa kanyang ‘Tuloy Tuloy Lang’ music video, kundi maging ang vlog posts ng boyfriend na si Mark Zambrano!

All is going well kay Aicelle, kaya dapat ay patuloy ang pagbibigay ng suporta sa kanya for her hard work!