Una sa Balita

Katrina takot nang magpaligaw, makipag-date

0 410

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyPayag na si Katrina Halili na makipag-date o magpaligaw muli. Pero ang nakakaloka ay hindi niya gusto ang one-on-one, dahil mas type raw niya ang group date.

Nakakatawa ang rason ni Katrina kung bakit mas gusto niya ang group date na kasama ang kanyang mga kaibigan. Ayaw raw niyang pilitin ang sarili na kausapin ang lalake lalo na kung hindi naman siya intresado rito, or hindi niya ito type.

Kung kasama raw niya ang kanyang mga kaibigan, may kakausap sa manliligaw para hindi naman ito ma-out of place sa kanya.

Kinukulit na si Katrina ng kanyang mga kaibigan na lumabas ng kanyang lungga para naman may makakita ng kanyang kagandahan.

Hanggang ngayon kasi parang kunten­to na si Katrina sa kanyang buhay, bilang­ simpleng babae, mahilig magluto, mag-thread mill, mag-alaga ng kanyang anak na si Katie, at alagaan ang kanyang mga kamag-anak na nakatira sa kanyang poder.

Hindi rin maintindihan ni Katrina ang sarili kung bakit hindi siya atat na magkaroon ng boyfriend matapos ang anim na taon sa huli nitong nakarelasyon.

Nakuntento na raw si Katrina sa kanyang buhay na kasama ang anak, mag-t shirt ng puti o itim na pambahay at magluto.

Sa interview ko kay Katrina matapos ang live guesting niya sa ‘Abantelliling’ na online show namin ni Dondon Sermino, sinabi ni Katrina na binalak niyang mag-semi retire na sa showbiz.

Inisip niyang huwag ng mag-artista simula­ ngayong 2018 at magtayo ng business o manirahan sa Palawan at doon magnegosyo. Gagawa raw siya ng sarili niyang sangkap na beef tapa, longganisa at iba pang processed food.

Kung hindi nag-renew ang GMA 7 ng kontrata niya rito, okey na kay Katrina ang iwan ang showbiz at mamuhay bilang simpleng tao.

Hindi raw siya kasi ang tipo ng taong la­ging kumakarera o aligaga na maging abala sa buhay. Quota na raw siya sa narating niya sa showbiz sa loob ng 15 years at hindi na siya naghahangad pa nang mas malaki roon.

Pero ni-renew ng GMA 7 ang kanyang kontrata ng panibagong dalawang taon, kaya nabago ang desisyon niya.
Naniniwala si Katrina na bigay sa kanya ng Diyos ang chance na ito kaya hindi niya gustong palampasin.

Pero kung darating­ ang isang araw at kailangan na niyang harapin ang ibang mundo na malayo sa kamera, hindi raw siya mag-aatubiling isantabi ang kanyang pag-aartista.

Siyanga pala, labas na ngayon sa mga sinehan ang pelikulang pinagbibidahan ni Katrina kasama sina Alex Medina, Carl Guevarra, Kiko Matos, ang ‘Mga Anak Ng Kamote’.

Panay ang biro niya sa amin na dalawang linggo siyang hindi nagpahinga at walang tulog, kaya huwag siyang i-judge sa movie na ito. ‘Yun pala ay walang anumang make-up na inilagay sa mukha si Katrina sa karak­ter niya sa pelikulang ito.

 

Paolo bonggaderang fashion designer na rin

 

Kung hindi pa dahil sa Mutya ng Pilipinas Filipiniana Costume/National Costume na ginawa nu’ng Martes nang gabi, hindi pa mabubuko na isang fa­shion designer na rin ang Eat Bulaga host na si Paolo Ballesteros.

Unang ipinasilip ni Paolo sa kanyang Instagram wall ang bahagi ng damit na denisenyuhan niya. Isa itong tila lace beaded gown na ayon sa kanyang caption ay isinuot ng isang kandidata sa Mutya.

Sinabi niya sa mensahe na matagal na niyang ginagawa ang pagde-design ng mga damit sa mga kandidata ng beauty pa­geants, pero sikreto lang ito.

“I have designed gowns and Filipinia­nas for pageants before, pero secret lang hehe. Nga­yon hindi na secret goodluck @agatharomero and thank you din to my designer friends @ipsemira and @janlasala @manny.halasan who helped me execute this for tonight’s Mutya ng Pilipinas 2018 terno competition. Mamaya na pic ng buo hihi,” sey ni Paolo.

Sa sumunod na post nito, makikita na sa video ang kabuuang white gown na may long skirt na black. Nang tanggalin ng kandidata ang pagkakatali ng palda, lumantad ang red and blue inner lining nito.

Makikita sa video wall ang pangalan ni Paolo bilang designer ng gown. Pinansin lang ni Paolo sa sinulat niyang caption ang kakulangan ng isang ‘L’ sa kanyang apel­yido.

So, asahang puputaktahin na ngayon ng aspiring client si Paolo at hindi kataka-takang mag-venture na siya sa fashion design business o magtayo ng sarili niyang shop.

So, hindi na lang hosting, acting­ at make-up transformation ang talent ni Paolo, kundi fa­shion design na rin.