Una sa Balita

Katrina pumalag sa pagmumura ng basher

By
0 2,368

Minumura na ng basher ang Kapuso actress na si Katrina Halili sa kanyang Twitter account. Kaya kahit na pinapayuhan si Katrina ng mga follower niya na ‘wag na lang siyang pumatol, hindi na napigilan ni Katrina na mag-react at sumagot.

Hindi malinaw sa amin kung ano ang pinanggagalingan o pinaghuhugutan ng basher niya, kasi, sa kabila ng mga papuring tinatanggap ni Katrina sa pagganap niya bilang si Isabelle sa afternoon series nilang The Stepdaughters na kahit kontrabida ang role niya ay binaligtad pa niya ngayon ang situwasyon nila ni Megan Young bilang si Mayumi, e, ang dami pa rin nagtu-tweet kay Katrina na love pa rin siya ha.

Aba e, pinapalabas na ngayon sa TDS parang si Megan na ang masama dahil sa kagagawan niya, huh!

Anyway, ‘yun na nga, kung nadadala lang itong basher niya sa pagiging bad ng character niya, foul na talaga na tumanggap ng mura ang aktres.

Ang unang post ng Twitter user na si @humaneraser, “put@#g ina muh Katrina Halili!”

Una itong sinagot ni Katrina nang, “Inaano ka.”

At saka niya sinundan nang “Wag mong idamay ina ko!” na halatang napagalit na rin siya. Kaya nang payuhan siya ng mga follower na ‘wag na lang pansinin, sinagot na lang nito na since na-pack-up daw ang taping nila, nagkaroon siya ng oras na sumagot sa mga tweet sa kanya.

At sey pa niya, “Ok lang yun, sinagot ko lang.”

Minsan talaga, hindi maihiwalay ng mga manonood ang totoo sa pinapanood nilang mga character.