Una sa Balita

Katrina pinatapang ng sangkatutak na pagsubok

Iyakin noon, palaban ngayon

By
0 498

Hindi namamalayan ni Katrina Halili, anim na taon na palang bakante ang kanyang puso. Anim na taon na ngang walang nagmamay-ari ng kanyang mundo.

Sabi nga namin sa kanya nung nag-guest siya sa Abantelliling, ang Abante online show namin ni Rey Pumaloy, baka matindi ang trauma niya sa mga lalaki?

“Wala akong trauma sa mga lalaki. Pero ‘yun na nga, 6 years na rin akong walang lovelife.

“Sobrang happy na kasi ako simula nu’ng nagkaanak ako, hindi na ako ‘yung sobrang nalulungkot na naghahanap ng love. Naging masaya ako nu’ng nagkaroon ako ng anak.

“Mas naging complete ako. Dati kasi parang hanap ako nang hanap ng love sa mga lalake, pero hindi naman pala dapat.

“Hindi na ako nagmamadali. Noon kasi nagmamadali ako. Pero, ‘yun nga, ngayon ko lang namala­yan, anim na taon na nga pala. Baka mag-sampung taon na, ‘wag naman sana. hahahahaha!” sey ni Katrina.

Baka hindi ka na sanay na pinagpatakbo ng lalake ang buhay mo? Mukha ngang super strong ka na ngayon, na tumapang ka na talaga dahil sa mga pagsubok na pinagdaanan mo sa buhay.

Hindi ka na nga ‘yung tulad noon, na iyakin, na parang madaling apihin ng mga lalaki.

“Dati madali akong maapi sa pag-ibig. Pero ngayon hindi ko pa nata-try. Pero ayoko na ring magpaapi. Itsura nila. Gagamitin ko ang pagi­ging kontrabida ko sa mga relasyon nga­yon. Hindi na ako magpapaapi!” sey niya.

So, paano siya nagiging maligaya? May mga pangangailangan ang mga babae, ‘di ba?

“Nasa bahay lang ako palagi. Wala ngang lumalapit sa akin na nagsasabi na gusto nilang manligaw. Wala talagang naglalakas ng loob.

“Pero, willing naman ako makipag-date na. May mga friends ako na gusto na makipag-date na ako sa mga lalake. Willing naman ako, pero gusto ko group date talaga. Pero bahala na.

“Ayoko kasing tawagin na date. Kasi baka mamaya hindi ko naman siya type, tapos maobliga pa ako na kausapin siya the whole night.

“Kaya hindi ako nakikipag-date, para hindi ko sila obligasyon na i-entertain. Hahahahaha!

“Basta ayoko ng date. Ayoko talaga!

“Ganito lang kasi, naniniwala kasi ako na ‘pag gusto niyo ang isa’t isa, eh ‘di kayo na. ‘Pag hindi, wala talaga. Willing ako, pero sa ngayon hindi pa ako uma-attend sa group date. Hahahaha!

“Pero lumalabas na rin naman ako. Late bloomer kasi ako. Na-rea­lize ko kasi na 32 na ako, so puwede na ako lumabas.

“Masaya kasi ako sa bahay ko. Nandun ang baby ko. Nagluluto ako. Kung gusto ko lumabas, nood lang ng sine, grocery lang. ‘Yung kilig naman, inood mo lang ng movie,” mahabang chika pa ni Katrina.

Masaya ako sa anak ko, mana siya sa ganda ko’

Ang anak na si Katie nga ang nagpapaligaya kay Katrina ngayon.

“Masaya ako na magkasama kami. Malaki na nga siya. Nag-aaral na. Manang-mana sa akin sa kagandahan. Medyo maarte na rin. ‘Pag nagmi-make up ako, gusto niya ring mag-lipstick.

“Pero sa talent sa pagkanta, kay Kris (Lawrence) siya mana. Mataas ang boses. Hahahahaha!”
Gusto mo ba siyang mag-artista?

“No na lang, hanggang maaari. Kasi, ayoko naman na, mamaya pagalitan siya ng director ‘pag hindi siya nakaarte. Hahahahahaha!

“Baka bigla akong sumugod sa set, baka ako ang magmakaawa na ako na lang ang pagalitan. Hahahahaha!

“Sa ngayon mas gusto ko na mag-aral siya. Pero, nagpi-piano lessons din siya.”

‘Willing pa rin akong magpaseksi!’‘Willing pa rin akong magpaseksi!’

Siyanga pala, walang duda na isa sa mga katakam-takam na aktres ngayon si Katrina. Hindi pa rin nawawala ang bagsik ng kanyang alindog.

Kunsabagay, noon pa man ay maalaga na si Katrina sa kanyang katawan. Aminadong tumaba rin siya nung nagbuntis, at medyo napabayaan ang katawan dahil sa pag-aalaga kay Katie.

Pero, makalipas ang ilang taon, heto nga at balik kaseksihan si Katrina.

“May thread mill kasi ako sa bahay. So doon na lang ako nag-e-exercise. And then, noon pa kasi nagda-diet na ako. Like noon pa man, parang nag-a-IF (Intermittent Fasting) na ako. Hindi ako aware na ganun pala ‘yon. So tinuloy-tuloy ko lang.

“Dati mahilig ako magluto. Nagluluto pa rin naman ako, pero hindi ko na masyadong kinakain. Mga tao na lang sa bahay ang kumakain.

Willing pa ba siyang magpaseksi?

“Oo naman. Sa Instagram ko naman nakikita niyo, willing pa rin ako, nagbi-bikini pa rin ako, nagtu-2 piece pa rin naman ako. Kaya nga ako nagpapakahirap mag-diet, gym, para ma-achieve ang ganitong katawan.”

 

‘Anak ng kamote’
‘Mukha akong aswang. Wag niyo ako i-judge!’

Sa ngayon ang pelikulang Mga Anak Ng Kamote ang pinagtutuunan ng pansin ni Katrina.

“Wag niyo ako i-judge please. Magpapaliwanag na ako. Habang ginagawa ko ang movie, 2 weeks kasi akong hindi na­tulog. Baka may makita kayo na hindi maganda sa akin.

“Pero, maganda ang movie. Tungkol ito sa mga magkakamote. Ang setting namin ay 2048, na ang kamote ay pinagbabawal na kainin at itanim. Tapos itinago ako ng asawa ko sa bundok.

“Tungkol ito sa alaala ito. Na ipapakita rito kung paano mina-manipulate ng mga tao ang katotohanan sa mga nakakalimot. Madaling intindihin ang movie. Mag-i-enjoy kayo.

“Drama ang genre nito. Pero parang horror ang dating. ‘Pag pinapanood ko nga para akong aswang. Parang any moment magpapahid ako ng langis, tapos lilipad ako,” kuwento ni Katrina.

“Pero puyat po ako sa shooting, kaya sana intindihin niyo naman. Iba talaga ang movie na ito. Alam ko ang mga ginampanan ko noon, pero kakaiba talaga ito. Dati 9 ang energy ko, pero dito negative 5 talaga ang energy. Mga mata-mata lang ang ac­ting ko,” sabi pa ng bida/kontra­bida sa teleser­yeng The Stepdaughters, kasama si Me­gan Young.