Una sa Balita

Katrina napikon sa malutong na sampal ni Megan

By
0 3,003

Isa kami sa tumututok sa The Step Daughters. Mula pilot week hanggang ngayon, ang banggaan nina Megan Young at Katrina Halili pa rin ang tinututukan araw-araw sa hapon!

Walang laban ang katapat nitong programa sa bangayan ng dalawa kaya naman masaya sila sa resulta ng kanilang pinaghirapan. Umabot na sa buhusan ng tubig at sabunutan ang kompetensya nilang dalawa at talagang nakikipagsabayan si Megan sa katarayan ni Katrina.

May nagsasabi nga na mas malakas pang manampal si Megan kesa kay Katrina, ha! Na kesyo napikon daw si Katrina sa malulutong na sampal ni Megan?

Kung akala ng lahat ay mahinhin at reserved si Megan sa serye, mali sila dahil palaban si Mayumi! Nagsisimula na ring ma-develop ang karakter ng real life couple na sina Megan at Mikael Daez, kaya exci­ting na lalo ang bawat episode.

Gladys inilublob sa putikan

Gladys Reyes is back dahil siya ang gaganap na kontrabidang ina ni Derrick Monasterio sa pagbibidahan nilang serye ni Barbie Forteza na Inday Will Always Love You.

Sa pasilip na BTS photos ng show, nasa putikan sina Gladys Reyes at Derrick Monasterio at may bitbit pang cute na baboy ang aktor! Bukod sa pagbabalik-tambalan ng DerBie, excited din kaming mapanood muli bilang malditang kontrabida si Gladys.

Mosang bilib sa kabaitan ni Ai-Ai

Oo naman at subok and tested na sa mga artistang may magandang working ethics at attitude na sila ang nagtatagal sa industriya. Living proof nga si Ai-Ai delas Alas na kahit na sa tagal na niya sa showbiz, humble pa rin siya at hindi nagbabago ang pagiging propesyunal.

Sa pagsabak kasi ni Mosang sa taping ng Sherlock Jr., napabilib siya sa ganda ng pakikisama ni Ai-Ai sa kanya. First time niyang makasama ang Comedy Queen sa isang serye at natuwa siya sa pagi­ging magiliw at mapagkumbaba nito.

Willie gayang-gaya ni Bitoy

Hindi sapat para sa viewers na mapanood lang sa TV ang ‘Kuya Wowie’ ni Bitoy dahil ipinapakalat din nila ito sa social media. Instant good vibes kasi at sobrang benta ng mga relatable na hirit ni Kuya Wowie sa Bubble Gang kaya dapat lang itong i-share sa inyong mga friends!

Ayon kay Bitoy, nag-e-enjoy din siyang gayahin si Willie Revillame, at masaya siyang nag-e-enjoy ang award-winning host sa kanyang panggagaya. Para hindi mahuli sa mga latest pakulo ni Kuya Wowie, tumutok lang sa Bubble Gang every Friday!