Una sa Balita

Katrina nalosyang sa ‘kamote’

By
0 1,430

Sobrang deglamourized si Katrina Halili sa pinagbidahan niyang Mga Anak Ng Kamote. Kung sa teleserye na The Stepdaughters ay sosyal at maganda ang ayos niya, sa Mga Anak Ng Kamote ay halos hindi raw siya makikilala ng mga manonood.

“Probinsyang-probinsya ako. As in, walang make-up, kahit ang buhok ko rito magulo.

“Kailangan ma-feel ko ang role ko na kinulong ako sa gitna ng bundok ng asawa ko at pinagsisilbihan ko siya. First time kong ginawa ito at na-challenge ako. Looking forward nga ako kapag shoo­ting namin kasi iba siya.

“Sabi ko nga na itong Mga Anak Ng Kamote, pang-relax ko from doing My Stepdaughters kunsaan parati akong galit, nagtataray, sumisigaw. Dito sa movie namin, tahimik lang ako. Very minimal lang ang dialogues ko,” sey pa ni Katrina.

Ang kuwento ng Mga Anak Ng Kamote ay naganap sa taong 2048 kunsaan pinagbabawal ang pagbenta at pagkain ng kamote.

“Bigla kasing hindi na umuwi ang asawa ko. So kailangan bumaba ako ng bundok para ha­napin siya. Nalaman ko na isa siya sa nahuli dahil sa pagbenta ng kamote.

“Sa paghanap ko sa kanya, doon bumalik ang lahat ng mga memories sa akin. Kung bakit ako napunta sa bundok, bakit nangyari iyon lahat sa buhay ko,” dagdag na kuwento pa ni Katrina.

Kasama rin sa cast sina Alex Medina, Carl Guevara, Kiko Matos at Lui Manansala.