Una sa Balita

Katrina Llegado 5th runner up sa Reina Hispano Americana

0 353

Mahirap na ngang masundan ang naging tagumpay ni Winwyn ­Marquez nung 2017, na kung saan ay tinanghal nga siyang Reina Hispano Americana. Pinatumba nga niya ang mga magagandang dilag mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Anyway, not bad, ang reaction ng mga fan, dahil naka-5th runner up nga ang representative ng Pilipinas na si Katrina Llegado sa ­katatapos lang na Reina Hispanoamericana 2019 competition na ginanap ­nitong February 9 (sa Pilipinas) sa Bolivia. Lumalabas na pang-pito si Katrina.

Si Miss Mexico Regina Peredo Gutierrez ang nakasungkit na ­korona ng Reina Hispanoamericana.

Anyway, ang Reina Hispano Americana ay unang binalak gawin nung November, 2019, pero dahil sa kaguluhan sa Bolivia na may kinalaman sa politika, naurong ito ngayong Febrero.

Marami ang nagsasabing medyo sumablay sa question and ­answer portion si Katrina. Pero, marami rin ang nagsabi na tama lang ang sinagot nito.

May mga nagpapayo kay Katrina na sumali sa Miss Universe Philippines sa susunod na taon.

At siyempre, tagumpay na rin ito ng Pilipinas, na sa ­dinami-rami ng kandidata, o magagandang dilag sa buong mundo, ­naging 5th runner up pa ang Pilipinas.

itcastro_cute3880; “Congrats proud of you next year Miss universe Philippines 2021.”

rokzzannesue01; “congratulations!!! 5th RU.”

thekhejonfire; “congratssss on 5th place ‘di ka kasipang reinahispano, pang Miss Universe ka.:

paraluman03: “Congratulations, Kat….you’ve done well!!!”

Congrats Katrina! (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More