Una sa Balita

Katrina insecure kay Kyline?

0 541

abante-talbog-joe-barramedaWala raw problema sa pagitan nina Katrina Halili at Kris Lawrence. May mga nang-iintriga kasi sa kanila na kesyo magkaaway sila.

“Grabe, huy okay kami,” sabi ni Katrina.

Giit ni Katrina, regular na dumadalaw si Kris sa anak nilang si Katie. At oo raw, nagbibigay ng financial support si Kris sa anak nila.

“Sapat lang,” sagot ni Katrina sa tanong kung magkano.

Sa tingin ni Katrina, may dyowa na ngayon si Kris.

“Parang meron na nga.”

So, wala na talagang balikan sa kanila?

“Wala na. ‘Pag ayaw ko na, ayoko na.  Mas OK kami as friends.”

Anyway, marami nga ang nakakapansin na lalong sumuseksi, gumaganda ang isa sa mga bida, kontrabida ng “The Stepdaughters”.

“Dapat lang, kasi si­yempre, wala na nga akong dyowa, chaka pa ako? Kaya kahit wala akong dyowa, fresh ako, ayoko naman mukhang loser.

“Wala na nga akong love life, tapos ang haggard ko pa? Para kahit sabihin na wala akong lovelife, eh ano ngayon? Fresh naman!” sambit niya.

Nakakontrata nga pala si Katrina sa GMA hanggang 2019, at wala raw siyang planong lumi­pat.

Anyway, nati-threaten ba siya sa mga bago at mas batang kontrabida sa GMA tulad ni Kyline Alcantara?

“Ay hindi naman, nakakatuwa nga ‘yung bata eh. Magaling, talented ‘di ba? Napapanood ko siya at okay naman siya.

“At bakit naman ako mate-threaten sa kanya? Bata-bata pa niya eh. Hindi naman kami magkasing-age.”

 

Jeric nahasa ang akting kay Direk Laurice

 

Nahahasa nang bonggang-bongga ang acting ni Jeric Gonzales. Pinipiga raw talaga nang husto ni Direk Laurice Guillen ang mga acting nila sa “Ika-5 Utos”. Kaya raw naman maganda ang kinalalabasan ng bawat eksena ni Jeric sa nasabing teleserye. Tapos ina­alayan pa siya ni Jean Garcia na laging kaeksena niya.

Kaya sobrang thankful si Jeric na napasama sa cast ng “Ika-5 Utos” na bongga rin ang ratings.

Ruru naghubad sa taping ng ‘Inday’

 

Nag-last ta­ping day na ang “Inday Will Always Love You” na sa may pier ang setting. Hindi ininda ni Ruru Madrid ang init ng araw habang naka­bilad sila doon.

Kaya pala nakahubad doon si Ruru sa sobrang init daw. Wala namang reklamo ang guwapong aktor na laging professional pagdating sa trabaho. Kesehodang maghintay siya sa set kahit hindi pa siya ang kinukunan.

Ganyan dapat ang gayahin ng ibang aktor na naiinip at nagpost-walk out kapag hindi makapaghintay. Bayad naman sila kahit matagal bago sila kunan. Talbog!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy