Una sa Balita

Katrina hindi sabik sa lalake

By
0 2,874

Tinotoo ni Katrina Halili ang unang sampal niya kay Megan Young sa nakunan na nilang eksena sa coming series nilang The Stepdaughters.  Kumpara kay Megan Young, sanay pumeke ng sampal si Kat pero ang una ay hindi.

“Actually dalawa pa lang ang sampalan namin. Sabi ko sa kanya, sanay ako sa fake. Kasi para sa akin, kaya naman. Kita naman. Nagagawa naman maging fake.Fake ‘yung sampal pero mukhang totoo sa TV.

“Mas mukhang ma­lakas kasi ‘pag fake lalo na ‘pag galing sa malayo kesa sa totoo. Alangan namang sampalin ko siya na humampas siya sa pader, ‘di ba?

 “Tapos sabi niya, ‘Kat, hindi ko kayang mag-fake.’ Tapos sabi ng iba, itotoo niyo na kasi ang haba ng scene. So kung mamamali kami sa sampal, uulitin. Tinotohanan namin!

“Pagdating naman sa catfight, hindi mo na nararamdaman. Kasi labanan doon ng adrenalin na galit na galit. Gigil na gigil ka. ‘Di ba, ‘pag galit na galit ka, ‘pag may kumurot sa ‘yo hindi mo mararamdaman?” pahayag ni Katrina.

Hindi ba siya nag-ala­ngang sampalin si Megan, eh, Miss World ito?

“Hindi. Okay lang ‘yon sa kanya. Privilege sa akin ‘yon. Charot!” tugon ng Kapuso actress.

“Hindi. Ayoko nga siyang sampalin. Siya nga ang may gusto na totoo eh,” dagdag niya.

Naiinggit ka raw kay Megan dahil boyfriend nito si Mikael Daez na pag-aagawan nila sa serye?

“Wala! Nag-i-enjoy ako na single. Siguro pag 35 na ako,” rason niya.

After Kris Lawrence, ayaw pa rin mag-entertain ng manliligaw ni Katrina. Sinasalang nga raw siya sa blind date pero inayawan niya ito.

“Ayoko lang. Parang happy lang ako na single. Pero hindi ko pinapa­ngarap na mag-isa. Gusto ko pa ring magkaanak. Gusto kong magkapamil­ya,” katwiran ni Kat.

Maganda pa rin daw ang samahan nila ni Kris bilang magkaibigan. Nang umuwi raw ang nanay ni Kris, tatlong linggo itong tumira sa kanya.

“Kasi gusto niyang makasama ang apo niya eh. Gusto ko rin naman. So ‘yun na-explain ko kay Katee (pangalan ng anak niya). Na-explain ko kay Kris. Kasi dati medyo nagtatampo si Kris. Akala niya pinagdadamot ko si Katee.

“Kasi minsan, ‘Punta ako kay Katee.’ ‘Next time na lang kasi matutulog na siya.’ Hindi niya nagi-gets. Akala niya, pinagdadamot ko. Kailangan kasing matulog ng bata ng 7PM. Na-explain sa kanya,” saad pa niya.

Anyway, sa February 12 nga muling ilalabas ni Katrina ang bagsik niya bilang kalaban ni Megan na matagal na ring na-miss ng mga tao sa kanya, huh!