Una sa Balita

Katrina hindi na mabenta sa mga lalake

By
0 3,255

Kahit anim na taon na ring loveless, hindi naman daw naghahanap ng nobyo ang Kapuso actress na si Katrina Halili. Pero nang makausap namin siya recently, sinabi nitong nagtakda siya ng edad kung kailan siya maghahanap.

May tatlong taon pa raw siya para hintayin si Mr. Right. Hindi niya gustong magpapalit-palit ng boyfriend dahil nais niyang maging maingat na sa mga desisyon para na rin sa kanyang anak na si Katie.

Sa ngayon, wala raw nanliligaw kay Katrina at hindi naman daw siya naghahanap ng love life dahil masaya siya sa piling ng mga kaibigan at pamilya nito lalo na ang kanyang 5-year-old unica hija.

Abante Hiring – IT dep

Focus din siya sa pagtataray kay Megan Young dahil siya ang gaganap bilang Isabelle Salvador, ang main kontrabida sa The Stepdaughters na magsisimula sa Feb. 12 sa GMA Afternoon Prime.