Una sa Balita

Katrina Halili at Yasmien Kurdi, umamin na nagkapikunan!

0 7

Inamin nina Katrina Halili at Yasmien Kurdi na nagkapikunan sila sa ilang eksena nila sa Piling Ni Nanay. Madali naman daw silang nagkaayos after. Nadala lang daw sila ng emosyon sa mga eksenang iyon.

Si Yasmien ay sa bahay lang magpapasko kasama ang anak dahil may trabaho ang asawa bilang piloto. Sanay na daw siya sa mga ganoong eksena na pareho silang mag-asawa na nagtatrabaho.

Si Katrina naman ay ang anak din ang makakasama sa Pasko bilang single mother at mukhang sa pana­nalita niya ay hindi okay sa relasyon sa ex husband. Mukhang hindi nagkikita ang dalawa although dina­dalaw naman daw ni Kris Lawrence ang anak kung libre ito. Pinapayagan naman ni Katrina na kunin ang anak ni Kris basta buong maghapon lang.

Walang umuwing luhaan sa Bubble Gang Xmas party

Dumalo kami sa Bubble Gang Christmas party at ipinadama ni Bitoy sa production staff ang pasasalamat niya sa mga nagdaang panahon ang dedikasyon nila sa kanilang trabaho. Kaya umuwi ng masaya ang lahat sa dami ng mga biyayang natanggap nila sa Bubble Gang.

Siyempre, nakisaya rin ang nagbabalik Bubble Gang na si Jacky Woo.