Una sa Balita

Katrina Halili, 5 taon nang tigang sa lalake

By
Katrina Halili
0 20

Five years nang tigang ang love life ni Katrina Halili at ngayon daw ay mukhang ready na siyang bigyan ang kanyang love life ng panibagong buhay.

Sa huling guesting ni Katrina sa programang Mars, sinabi nito na sa tagal na raw niyang kinalimutan ang love life, hindi na raw niya alam kung ano ang pakiramdam ng pinopormahan siya ng lalake.

“Actually hindi ko nga alam. Wala ako maisip kasi limang taon na kasing wala.

“Dedma na ako sa kanila kaya hindi ko na sila naiisip. Wala na akong pakialam. Masaya na kasi ako eh,” diin pa niya.

Pero hindi naman daw totally nakasara ang pintuan ni Katrina sa muling pagtibok ng kanyang puso.

“Kapag dumating na lang. Kasi dati puro mali ‘yung relationship ko kasi parang nagmamadali ka na lang palagi.”

Kung wala raw dumating, hindi raw mawawala ang pagiging happy ni Katrina dahil meron naman daw siyang anak na si Katie.

“Masaya ako ngayon dahil binigyan ako ng Katie. Masaya na ako sa buhay ko. Ayoko na maghanap kasi baka mali na naman,” pagtapos pa ni Katrina Halili na papasok na rin sa teleserye na Alyas Robin Hood 2.