Una sa Balita

Katrina gustong ‘saktan’ si Aiko

0 236

abante-talbog-joe-barramedaNaninibago si Katrina Halili sa role niya sa “Prima Donnas”. Mabait nga raw kasi siya, na hindi tulad noon na puro kawalanghiyaan ang ginagawa niya sa harap ng kamera.

Si Aiko Melendez ang makakasagupa niya rito kaya kabadong-kabado siya.

Beterana at mahusay na aktres nga kasi si Aiko, ha!

Nagtatanong nga raw siya kung may chance na makaganti rin siya kay Aiko. Sa script daw kasi, parang siya lang ang palaging bubugbugin ni Aiko.

Masaya si Katrina sa buhay niya ngayon bilang isang single mother. Mga kaibigan daw ang madalas niyang nakakasama. Ayaw na muna niyang makipagrelasyon at masaya siya sa estado niya ngayon.

Nagsimula rin bilang young star si Elijah Alejo, na kasabayan ni Jillian Ward. Pero bigla itong nawala sa radar ng mga teleser-ye until dumating itong “Prima Donnas” na pinagbibidahan nina Jillian, Althea Ablan at Sofia Pablo na bata pa ay parang may mga ka-love team na.

Elijah Alejo napiga kay Gina Alajar

Aminado si Elijah na malungkot siya nu’ng matagal siyang nawalan ng project. Breadwinner daw siya sa pamilya at wala na silang tatay at ang ina na lang ang kasama niya.

Nagdasal daw siya na sana ay mabigyan siya muli ng bagong project na pagkakakitaan niya. In fairness sa bagets, nag-aaral pa at dala-dala raw niya sa taping ang homework niya.

At ang “Prima Donnas” nga raw ang sagot sa mga dasal niya. Kontrabida ang role niya.

Inaalalayan naman daw sila ni Direk Gina Alajar, at talaga raw pinipiga sila sa bawat eksena.

Heaven nag-ober da bakod sa GMA?

Noong nadako ako sa GMA last week kasama ang alaga naming si Jeric Gonzales para i-treat sa isang merienda ang mga GMA Entertainment Executives ay napansin namin na may kausap na magandang babae ang aktor.

Late na nang malaman namin na si Heaven Peralejo pala ‘yun kasama ang anak ni Becky Aguila. Kabi-break lang ni Heaven sa anak ni Senator Manny Pacquiao. Hindi kaya mag-ober da bakod si Heaven? Baka nga! Lalo na kung wala naman siyang project sa ABS-CBN, ha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy