Una sa Balita

Katrina galit na galit sa demonyo

By
0 2,450

Grabe ang galit ni Katrina Halili sa Twitter post niya ilang oras halos bago matapos ang Valentine’s Day. May nag-comment kasi kay Katrina na wala raw itong followers at gumawa raw ng video scandal para dumami ang followers.

Ini-screenshot ni Katrina ang post sa kanya kaya nalaman din ng ibang follo­wers niya. Ang ironic, sinabihan nito si Katrina na may 258K followers, pero siya na nangba-bash, 5 lang ang followers.

Hindi na namin makita ang comment kay Katrina na tila idinamay pa sa post ang anak niyang 6 year old, si Katie. Obviously, doon na nasagad ang isa sa mga bida ng bagong afternoon prime ng GMA-7 na The Stepdaughters.

Sinagot ito ni Katrina nang, “Wala kang date? Bitter ocampo, Maraming positive na dapat pinagkakaabalahan mo para ma­ging positive din dadating sa buhay mo, wag ka nandadamay ng anak, demonyo ka. Buhay ko to, wala kang pakialam kung nagkaron ako ng kasalanan. Sa sarili ko yun, ako magbabayad nun.”

Sa totoo lang, maaaring may mga nagawa ngang pagkakamali si Katrina noon na openly, sinasabi niya at pinagsisihan na rin, pero ang pinakamaganda sa lahat, natuto siyang ayusin ang buhay, hindi nagpatalo sa depression at maging panlalait ng iba. At higit sa lahat, maging mabuting ina sa anak niya.

Palaging sinasabi ni Katrina na hindi siya nakikipagrelasyon o nakikipag-date man lang. Ang dahilan, ayaw raw niya na makita ng anak niya kung ano ang ginagawa niya.

Ayaw niyang makita ng anak niya na may lalaki siyang inuuwi sa bahay. Gusto niya, maging cre­dible siya sa anak bilang nanay nito.

James, Nadine ‘intimacy’ nagpainit ng katawan ng mga fan

Buong ningning talagang ibinalandra ng real & reel sweetheart na sina Nadine Lustre at James Reid ang kanilang mga kaseksihan sa kanilang mga Instagram account.

After nga ng Revolution concert ng dalawa, dumiretso ang mga ito sa Siargao at nagbakasyon. Iba talaga ang dalawa. Kung ang ibang loveteams sa panahon ng Valentine’s Day ay mga roses, mga surprises ang mga pino-post, iba ang James at Nadine, ang mga kahubadan nila at ang intimacy nilang dalawa.

Feel na feel ni Nadine ang kaseksihan niya, which is talaga naman at masasabing pinaghirapan niyang talaga. Mismong si James ang photographer ni Nadine sa mga pictures niya at in all fairness kay James, may talent din talaga sa photography.

So yun nga, kung yung ibang loveteams, nagpa-cute sa pagpapakilig sa mga fan nila noong Valentine’s Day, sina James at Nadine naman ay pinag-init ng todo ang mga tagahanga nila.

Isang comment nga ng fan, tingnan daw kung may may galos sa katawan si James dahil mahaba ang kuko ni Nadine, huh!

Baby Talitha damay sa kasamaan ng ugali ng mga fan ni Maine

Nang dahil sa pag-iisip ng ilang mga fan daw ni Maine Mendoza na hindi gusto ni Pauleen Luna ang phenomenal star at sa kabila nang pagsagot at paglilinaw ni Pauleen sa bagay na ito, may mga sadyang sarado yata ang isipan na bina-bash pa rin ang maybahay ni Vic Sotto.

Just because malapit si Pauleen kay Alden Richards, ipinagpalagay na ayaw naman ni Pauleen kay Maine. Ang babaw, ‘di ba? Hindi ba puwedeng dahil mas sina Pauleen at Alden ang madalas na nagkikita at nagkakasama bilang pareho nga naman silang nasa Broadway. Si Maine naman ay sa Juan For All segment talaga.

Buti na lang at walang social media si Vic. Paano kung meron, papatol na rin kaya ito na pati ang baby nila na si Talitha o Tali ay idinadamay ng mga walang magawang fans or bashers?

Sa Facebook, muling nakiusap si Pauleen na huwag idamay ang baby nila.

“Why is there so much hate on social media? A lot of people pull other people down rather than lift each other up. Please, spare my 3 month old baby. Spare the innocent child. So sad,” sabi ni Pauleen.