Una sa Balita

KATRINA, ‘FEELING VIRGIN’ SA PAGBI-BIKINI!

By
0 10
Katrina Halili
Katrina Halili

Pinaghandaan nang husto ni Katrina Halili ang pagpapa-sexy sa bagong drama-comedy series ng GMA 7 na D’Originals. Sa ilang eksena kasi nila ay ipapakita ni Katrina ang kanyang sexy na katawan bilang pang-akit kay Jestoni Alarcon na mister naman ni Jaclyn Jose.

Ayon kay Katrina, matagal din daw siyang hindi nakapagsuot ng bikini simula noong nakapanganak siya. Kaya naman feeling virgin siya sa pagsusuot ng bikini. At malaking challenge sa kanya ang ibalik ang dating kaseksihan niya.

“Four years na kasi akong hindi nagsusuot ng bikini. Since nabuntis ako sa anak ko at ngayon ay 4 years old na siya, ngayon lang ako ulit nakapagsuot ng bikini sa TV.

“Kaya medyo na-stress ako kasi ika-fourth taping day pa lang, pinagbi-bikini na ako.

“Buti na lang at nadaan sa mga dayang shots. Naitawid naman namin.

“Pero ngayon, kailangan kong mag-gym at mag-diet ulit kasi baka gulatin na naman nila ako na magpa-sexy,” tsika pa ni Katrina.

Natuwa naman ang aktres dahil nabigyan siya ng isang comedy role sa D’Originals. Matagal na raw niyang request na makagawa siya ng comedy role sa TV.

“Noon ko pa sinasabi na gusto kong mag-comedy. Ayaw nilang maniwala na magaling akong magpatawa.

“Kaya after noong Sa Piling Ni Nanay, nag-request ako na comedy naman ang gawin ko. Kasi nakakapagod na rin na parati akong nagagalit, pumapatay at nagtataray.

“Gusto maiba naman para makita nila ang fun side. Na kaya kong magpatawa naman,” ngiti pa ni Katrina.