Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Katrina ‘di na kinikilig sa boylet

0 72

Masayang ibinahagi nina Katrina Halili at Shayne Sava ang ilan sa kanilang mga karanasan tungkol sa kalalakihan.

Sumabak ang dalawa sa nakakaaliw na larong ‘On The Spot’ kung saan kailangan nilang kumpletuhin ang sentences na nagsisimula sa “Ang mga lalaki kasi…”

Natanong sina Katrina at Shayne kung ano ang ‘di nila malilimutang kilig moments. Pag-amin ni Shayne, “Siguro po nung sinabi rin sa akin ng crush ko na crush niya rin ako.

Nahirapan namang alalahanin ni Katrina ang huling beses na siya ay kinilig dahil sa isang crush o manliligaw.

SM food to go Banner Ad

“Mars, ang hirap naman ng mga tanong n’yo, mga lalaki. Wala talaga akong kilig sa kanila. Wala na akong maalala. Burado na sila.”

Sa huli, ikinuwento ng aktres na may isa raw pursigidong manliligaw na nakilala niya sa Boracay ang pinaka-naaalala niyang nagpakilig sa kaniya.

Samantala, kabilang si Shayne sa upcoming cultural drama series na ‘Legal Wives’ habang si Katrina naman ay mapapanood sa second season ng top-rating Afternoon Prime series na ‘Prima Donnas.’ (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.