‘Katrayduran ang manahimik’ — De Lima

By

Ang pananahimik ay pagtatraydor.

Giit ito ni Sen. Leila de Lima bilang reaksyon matapos na mapabilang din sa listahan ng “100 Most Influential People” ng TIME magazine.

Dahil na rin ito sa kanyang pagiging pangu­nahing kritiko at bukas na bumabatikos sa paraan ng pamumuno ng Pa­ngulo partikular ang war on drugs nito kung saan libu-libo (mahigit 8,000 sa huling bilang) na ang napapatay na drug suspek.

“I am deeply humbled for being recognized by Time magazine as an Icon among their 100 Most Influential people in the world,” ayon kay De Lima kasabay ng pagsasabing ang pakikipaglaban ng karapatang pantao at paghingi ng hustisya sa mga namatay sa ilalim ng kampanya ng pamahalaang Duterte kontra droga ay hindi naging pangunahing hinaing ng publiko dahil na rin sa nakikitang mapaghiganteng pinuno.

“For many of our countrymen, it is more convenient to huddle up close to Malacañang and reap the benefits of being a sycophant, rather than take the road less tra­velled but be the victim of political persecution by a vengeful strongman,” ayon pa kay De Lima sa kanyang handwritten note.

Ngunit ayon sa senadora, hindi niya piniling manahimik dahil sa kanyang paniniwala na ang pananahimik ay isang pagtatraydor sa bansa, sa mga naapi at higit sa lahat pagtatraydor umano sa kanyang ama, anak at pamilya.

SHARE