Una sa Balita

Katrabaho hinataw ng tubo sa ulo

By
0 5

Dead-on-the-spot ang isang construction worker matapos hatawin sa ulo ng kaalitang katrabaho noong Sabado ng gabi sa Daang Bakal, Mandalu­yong City.

Nakilala ang nasawi na si Sonny Rose y Quil­ling, 46-anyos, residente ng Daang Bakal St., Mandaluyong City matapos magtamo ng halos pagkabasag ng bungo makaraang hampasin ng bakal na tubo na ginagamit nilang scaffolding.

Tumakas naman ang suspek na nakilalang si Cesar Mangahas, 30, matapos ang pagpatay sa biktima.

‘Di pa matukoy kung ano ang nag-ugat sa krimen.