Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Katok Salisi Gang umatake sa Maynila

0 388

Nagbabala si Manila Police District (MPD) Director P/Brig. General Rolanda Miranda sa publiko na mag-ingat sa Katok Salisi Gang na tumatangay ng pera at mahalagang gamit ng motorista.

Kasabay ito ng direktiba niyang tugisin ang mga miyembro ng gang matapos na makapambiktima ng motoristang babae na si Venus Baldisimo, 42. Nakuha sa kanya ang may P300,000 mga gamit at cash noong Hulyo 6, alas-10:45 ng umaga sa may panulukan ng A. Soriano Avenue at Solana St., Intramuros, Maynila.

Nabatid na ang grupo ay may apat hanggang limang miyembro na magkakasama sa isang sasakyan. Isa sa kanila ang kakatok sa passenger window at sasabihan ang driver na naiwan niya sa tail gate ang susi.

Sa oras na puntahan ng solong motorista ang tail gate ay saka naman sasalisi ang dalawa sa suspek upang tangayin ang bago o iba pang mahalagang gamit sa nasabing sasakyan, habang ang dalawa pang look-out ang pagpapasahan ng nakulimbat bago magsisitakas sakay ng isang van.

Nakita rin sa kopya ng CCTV footage ng pulisya na tumakas ang mga suspek sakay ng puti na mitsubishi Adventure. May iba pa umanong biktima na katulad ng naturang modus operandi. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.