Una sa Balita

Katipunan flyover lubog sa baha

0 327

NAGING mabigat ang daloy ng trapiko sa Katipunan Extension sa Quezon City noong Sabado, Disyembre 7.

Sa binahaging video ni TV personality Gretchen Ho, makikita ang dahan-dahang pagmamaneho ng mga motorista dahil sa apaw na baha sa flyover.

“Ngayon lang ako nakadaan sa Katipunan extension/flyover na ganito kagrabe yung baha!” sabi ni Ho sa kanyang tweet nitong Sabado.

Sinagot ni Ho ang isang netizen na kuha ang video ng alas-5:02 nang hapon.

Hindi naman malinaw kung ang pagbaha ay dahil sa malakas na ulan.

Magugunita na naging trending kamakailan si Ho makaraang makitang magkasamang nanood sa SEA Games si Pasig Mayor Vico Sotto na kapwa single. (Issa Santiago

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy