Una sa Balita

Katie Holmes dedma sa pambababae ni Jamie Foxx

0 343

Natagpuan ang Hollywood star na si Jamie Foxx na may kasamang dalawang magkaibang babae sa magkaibang okasyon.

Matapos mapabalitang hiwalay na sila ni Katie Holmes na anim na taon niyang nakarelas-yon, panibagong babae naman ang kasama ni Foxx, habang tila dedma lamang si Holmes sa mga kaganapang iyon dahil sa kanyang recent post kung saan nakangiti ito at blooming pa nga!

Anyway, nitong August 11 nakitang may kasamang ‘blonde mystery woman.’ At kamakailan ay may kasama ulit ang aktor na ‘brunette’ na babae sa isang Hollywood nightclub habang magkahawak ang kamay.

Nanatili pa ring walang pakialam si Holmes sa gitna ng mga balitang iyon. Pero, hindi pa riyan natapos ang tsika, ha!

Napag alaman na ang tinutukoy na ‘brunette’ na kasama ni Foxx ay isang singer, songwriter at model na ang pangalan ay Sela Vave.

Kapansin-pansin din ang pagko-comment ni Vave sa ilan sa mga post ni Foxx kamakailan.

Nag-post pa ng picture si Vave sa kanyang instagram kasama si Foxx.

“I am so grateful to this man! Thank you so much @iamjamiefoxx for everything you do and for believing in me.” ani Vave. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy