Una sa Balita

Kathryn umamin sa Japan wedding proposal

0 1,167

Sa panayam ng Abantelliling kay Kathryn Bernardo, ang online show namin ni Dondon Sermino, na napapanood sa Abante News Online Facebook page, mara­ming sinagot na nakakakilig na tanong mula sa amin ang Kapamilya star.

Nilinaw nito ang nag-viral post na nag-propose na raw si Daniel kay Kathryn sa kanilang bakasyon sa Japan. Nag-post nga kasi ang mommy ni Kathryn tungkol sa proposal, at inakala ng lahat na ang gumawa nito ay si Daniel Padilla kay Kathryn.

“Ayan na! Hahahahaha!

“Ay naku, ang mga ito, nagkatuwaan lang ‘yon. Si Mama ‘yon, pati si Tito Do. Parang ang tagal na nilang friends. So, naglokohan lang sila. Tapos biglang, ‘Oh my God.’ Kasi nag-shoot kaming buong day, tapos nakita ko, sabi ko, nakakaloka kayo, mababaliw ang mga tao. Hahahaha!

“Hindi si Daniel ang nag-propose! Hindi talaga! Hahahaha!” kuwento ni Kathryn.

Pero open si Kathryn sa ideya ng proposal kay Daniel, pero hindi pa lang daw ngayon.

“Kailangan pa naming magtrabaho pareho!” sagot niya

Isa pa sa mga rebelasyon ni Kathryn sa interview ay ang pitong taon na romantic relationship nila ni Daniel, na inakala namin at ng lahat na apat na taon pa lang.

Sa pag-amin ni Kathryn at ni Da­niel sa kanilang relationship, sinabi ng dalaga na mas magaan sa kanila na hindi na sila nagtatago sa kung ano me­ron sila nga­yon.

Malaya na rin nilang nai-express ang kanilang mga feelings sa isa’t isa sa paningin ng marami.

“Trust”, “Understanding”, “Love” at “Support” ang ilan daw sa mga sangkap kung bakit umabot sa pitong taon ang relasyon nila ni Daniel.

Anyway, ang pagiging sweet ni Kathryn ang isa sa malaking factor kung bakit siya ang napili ng mga ow­ner ng Maxi Mango na ma­ging endorser ng kanilang product.

Ang Maxi Mango, ang pinakamainit na mango drink sa metropolis at ilang mga key city sa ‘Pinas, na pinipilahan sa ngayon.

Isa ang Maxi Mango sa mga iniendorso ni Kathryn na nagki-cater sa mga bata, matanda, babae at lalaki. Ikinatuwa ni Kathryn ang assessment ng Abante na na­panatili niya ang kanyang wholesome i­mage sa pagpili niya ng mga iniendorsong mga produkto.

Marami pang rebelasyon si Kathryn sa Aban­telliling, kaya abangan ito sa Abante News Online Facebook page at Abante Tonite YouTube Channel. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy