Una sa Balita

Kathryn super yakap, halik kay Daniel sa HK

0 326

abante-paistaran-dondon-sermino

Tinupad ni Daniel Padilla ang pangako na susundan niya si Kathryn Bernado sa Hong Kong. Nagsyusyuting nga si Kathryn sa HK kasama si Alden Richards.

At last Friday nga, dumating si Daniel sa HK, at kaloka ang naglabasang video, dahil parang naging paslit si Kathryn na biglang nagpakarga kay Daniel, ha! Kitang-kita nga kung gaano nasabik si Kathryn sa mga yakap at halik ni Daniel, ha!

Ayaw ngang bumitiw ni Kathryn sa pangungunyapit kay Daniel. Feeling ‘baby’ talaga siya, na matagal nawalay sa ‘tatay’ niya.

Kung tutuusin, nakakaiyak ang eksena nila, dahil oo nga naman, hindi­ sila magkasama nu’ng birthday ni Daniel,­ dahil kailangan niyang mag-shooting. At ngayon ngang nasa tabi na niya ang dyowa niya, aarte pa ba siya? Siyempre, dapat lang na ipakita niya kung gaano siya nasabik dito, ha!

At ganu’n din naman si Daniel, na talagang halos pupugin ng halik ang dyowa niya, ha! Sobrang sweet nga nilang dalawa.

Danilo Aquino pararangalan sa ‘Amazing Earth’Ngayong hapon, haharapin ni Dingdong Dantes sa isang forested­ mangrove sa Parañaque City ang Amazing Earth hero – ang PWD na si Danilo Aquino, ang leader ng Trees A Life Technicians that manufacture earth-friendly eco-charcoal briquettes from recycled wastes.Dapat ngang bigyan ng importansya ang mga ganitong personalidadna tumutulong sa kalikasan.
Directed by Rico Gutierrez, ang “Amazing Earth” ay napapanood tuwing Sunday after “24 Oras Weekend.”

Alden bida pa rin sa ‘Lola’

Sina Alden Richards,­ Katrina Halili, Barbie Forteza, Jo Berry at Kiray Celis pa rin ang mapapanood ngayong gabi sa “Daig Kayo ng Lola Ko” sa GMA-7.

Tuloy lang si Lola Goreng­ sa kuwento niya.

Sa loob ng castle, makikita na tinotorture ni Malek si Prince para mapuwersa si Reyna Lola na ibigay ang eksaktong location na kapangyarihan ng mga bata. Hawak na ni Malek ang lahat ng powers sa queendom. Meanwhile, Prince plots their escape. Ano ang mangyayari?

Arra gumawa ng ‘Gelatin Easter Egg’

Bonggang experiments pa rin ang ipakikita nina Chris Tiu, kasama sina James & Roadfill of Moymoy Palaboy, pati na sina Mikoy Morales, Denise Barbacena at Arra San Agustin.

Ano ang mangyayari sa bottle wrapped in burning shoelace and dipped into ice-cold water? Can a biker and a runner beat the speed of a burning gasoline trail?

What toy can you make with a bottle cap and string? The answer is in the Tansan Yoyo Experiment!

Can you make a windmill with a cardboard roll? Find out how in the Savonius Windmill Experiment!

Samahan sina James at Denise isa Batangas where they build a bridge out of the most unexpected material in the outdoor experiment, Bilibabol Bubble Wrap Bridge! Ipapakita rin ni Arra how to make a special Gelatin Easter Egg treat made with fruits!
Lahat ng iyan sa ‘I-Bilib’ every Sunday!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy