Una sa Balita

Kathryn super iyak sa concert ni Daniel

By
0 490
 
 

Hindi mapigilan ni Kathryn Bernardo ang maiyak matapos i-dedicate ni Daniel Padilla ang kantang Just The Way You Are sa sold-out concert nito sa Araneta.
 
Talagang punas siya nang punas ng kanyang mga luha dahil damang-dama niya ang sinseridad nang pagkakakanta ng kanyang dyowa na mas lalo pa ngang naging makahulugan dahil matagal na rin nilang inamin na officially ay mag-sweethearts nga sila.
 
Bago pa nito ay isang goodluck message naman ang ipinadala ni Kathryn kay DJ na appreciated naman ito nang husto at mas lalo pa ngang nagpagana sa Kapamilya heartthrob upang mas lalo pang pagandahin ang performances niya nang gabing ‘yun.
 
Obviously, si Kath ang Lady of the Hour sa gabing ‘yun na very proud nga sa achievement ng kanyang dyowa sa kahit saang larangan ng ating industry.
 
Bigay-todo naman si DJ sa kanyang prod numbers na ayon nga sa iba ay mas nag-mature na siya ngayon hindi lamang sa timbre ng boses kundi maging sa kanyang personalidad although yung likas na kabaitan niya ay nandun pa rin.
Congrats, DJ! 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy