Una sa Balita

Kathryn sinulsulan ni Sharon na humiwalay kay Daniel

By
0 525

Mismong si Sharon­ Cuneta ang nagsabi kay Kathryn Bernardo na huwag siyang pumayag na magi­ging package sila ni Daniel­ Padilla sa buong career niya.

Kasi nga, for the past seven or eight years, ay la­ging magkasama ang KathNiel pero kailangan naman talaga na magkaroon sila ng growth as individual actors kaya malaking break para kay Kath ang movie with Sharon and Richard Gomez na hindi kasama ni DJ.

Maging si Direk Cathy Garcia-Molina na siyang magdidirek ng movie na ito ay sinegundahan ang payo na ito ng ating megastar dahil ayon nga sa kanya, ipinanganak naman si Kathryn na mag-isa, kaya hindi naman kailangang laging nasa tabi niya ang Kapamilya actor.

Mixed emotions nga naman daw ang nararamdaman ng Kapamilya actress ngayong sa unang pagkakataon ay hindi niya kasama sa movie ang kanyang partner, on and offscreen, pero very lucky naman siya dahil part siya ng comeback movie nina Sharon at Richard na for after 15 years ay ngayon na ulit magsasama.

Samantala, excited na rin si Kath na ipapalabas na ang movie nila ni DJ na The Hows of Us dahil iba raw ang atake ni Direk Cathy sa kanilang roles dito.

Sa lahat nang pinagsamahan nila, ito na raw ang pinaka-matured roles na kanilang ginawa na hopefully ay pumasa sa panlasa ng mga manonood.