Una sa Balita

Kathryn sinipa si Anne sa pagrereyna sa Twitter; Vice Ganda top male celeb

0 355

abante-paistaran-dondon-serminoHindi pa rin makabog-kabog si Vice Ganda pagdating sa Twitter. Si Vice pa rin ang number one sa social media platform na ito.

Aba, with 12.1 million follo­wers sa Twitter, mahirap ngang tibagin si Vice, ha! Kaya naman siya talaga ang nanguna sa “Top Male Celebrities on Twitter” sa first quarter ng 2019. At sumunod sa kanya si Juan Miguel Severo.
Pangatlo si Donny Pangilinan. Pang-apat si Ronnie Alonte. Pan­lima lang si Alden Richards, ha! Pang-anim si Charles Kieron (@hashtag_CK), pang-pito si Marlo Mortel. Pangwalo si Joshua Garcia. Pang-siyam si Ken Chan (bongga, ha!) at pang-sampu si Kyle Echarri.

Binase ang survey na ito mula Ja­nuary 1 hanggang March 31 ng Twitter Internal data.

“The rank is based on engagement and doesn’t show sentiment of conversation towards the individuals,” say ng Twitter Philippines.

Pagdating sa Top Female Celebrities on Twitter naman, tinalo ni Kathryn Bernardo (na may 9 million followers) si Anne Curtis (na may 1.1 million followers). Si Kathryn nga ang nanguna, at sumunod sa kanya si Loisa Andalio. At yes, pangatlo lang si Anne, ha!

Pang-apat naman si Maymay Entrata, panlima si Sue Ramirez. At pang-anim lang si Maine Mendoza (na pala­ging trending ang lahat ng ganap). Pangpito si Maris Racal, pangwalo si Sofia Andres, pang-siyam si Kisses Delavin at pang-sampu si Alex Gonzaga.

Maine, Bossing sitcom most talked about teleserye Coco walang appeal sa Twitter?

Anyway, ang “Alone/Together” nina Liza at Enrique naman ang nanguna sa Top Philippines Movies on Twitter. Pangalawa ang “Ulan” nina Nadine Lustre at Carlo Aquino. Pangatlo ang “Sakaling Maging Tayo” nina Elisse Joson at McCoy de Leon (napanood niyo ba ito?), pang-apat ang “Second Coming” nina Jodi Sta. Maria at Marvin Agustin, at panglima ang “Eerie” nina Bea Alonzo at Charo Santos-Concio.

At pagdating naman sa teleserye, heto ang chika ng Twitter Philippines:

“When it comes to teleseryes, we all have 1 (or maybe 2 or 3?) show that always give us that kilig moment whenever we watch it. For the month of January-March, #DaddysGurl took the lead as the most talked about teleserye on Twitter in Philippines.”

Na sabi nga ni Direk Chris Martinez, direktor ng “Daddy’s Gurl,” hindi naman sila teleserye, kundi sitcom sila na tuwing Linggo lang ng gabi ipinalalabas. Well…

Anyway, pangalawa sa kanila ang “Playhouse” nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo (nagwakas na sa ere), “The General’s Daughter” (Angel Locsin), “TODA One I Love” (Ruru Madrid at Kylie Padilla), at “Onanay” (Jo Berry) na nagwakas na rin sa ere.

Teka, asan ang “FPJ’s Ang Probinsyano”? Wala bang ganap gabi-gabi sa buhay nila at hindi sila makapasok sa kategor­yang ito? Well…

Pagdating sa kantahan, si Darren Espanto pa rin ang number one bilang Top OPM Musician on Twitter. Kasunod si Moira dela Torre, pangatlo ang IV of Spades (sikat sa mga millennial), pang-apat ang TNT Boys, at panglima si Regine Velasquez.

Ay teka lang, nasaan si JK Labajo? ‘Di ba, sikat na sikat ang kanta niyang “Buwan” ngayon? Na kahit mga bata, o matatanda talaga, kinakanta ang “Buwan”? Well…

Basta, sabi ng Twitter, base sa engagement ito, ha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy