Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kathryn, Ria pabonggahan sa pagpapalayok

0 70

Pareho talaga ng trip ang magkaibiang Kathryn Bernardo at Ria Atayde. Magkasundo sila sa halos lahat ng bagay, ha!

At heto nga, may bago na naman silang pinagkakaabalahan. Ang pagpapalayok.

Feeling Demi Moore nga ang dalawa sa pelikulang Ghost, di ba?

Anyway, ibinida ni Ria ang mga larawan ng kanilang pottery workshop na ginagawa sa isang studio sa San Juan kamakailan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasama nina Kath at Ria ang kapatid ni Ria na si Xavi, at ang dyowa ng aktor Joe Vargas na si Bianca Yanga.

“In the words of @xavitoysandgaming, ‘I had fun and felt like I did something productive’. Thank you @wabi_sabiph 10/10 will come back again,” sabi ni Ria.

“TY for doing this with us @bernardokath @byanga,” dagdag pa niya.

Si Ria nga ang isa sa pinagkakatiwalaang kaibigan ni Kathryn, at wala ngang kakabog sa kanilang friendship. (SDC)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.