Una sa Balita

Kathryn pabor sa hiwalayan kay Daniel

‘Kailangan para mag-grow’

By
0 337

Kahit na may mga bagong local movies na palabas na bilang kasabay ng pelikulang The Hows Of Us sa ika-second week nito, malakas at nangunguna pa rin daw ito sa box-office hanggang ngayon.

Kaya naman ramdam namin ang energy at kasipagan pa rin nina Daniel at Kathryn sa pagpu-promote.

Masayang-masaya nga ang dalawa nang mag-guest muli ang mga ito sa Tonight With Boy Abunda.
Para kay Kathryn, pinakamahirap na scene sa kanya ‘yung wala siyang lines, pero dapat bumuhos ang emosyon.

Puring-puri naman siya ni Daniel. Sey nito, “Grabe na ‘yung binibigay sa akin ni Kathryn dun. All I have to do is react.

“Kaya nga namin sinasabi na nangyari na ‘yun sa amin, ‘yung mga ganoong eksena. Bumabalik.­ Kapag nangyayari ‘yung ganung­ eksena, bumabalik ‘yung pakiram­dam na ‘yun.”

Dahil nga raw ang eksena ay tungkol sa boundary. Tinanong ang dalawa ni Boy Abunda kung dumating na rin sila sa bounda­ry o hangganan ng relasyon nila.

Mabilis na sumagot si Kathryn na parang wala, na sinegundahan naman ni Daniel nang, “Kapag binigyan mo ng hangganan, hindi ka magwu-work. Kailangan buong-buo ka.”

So it means, sa loob ng limang taon nilang relasyon, it means hindi pa sila umabot sa puntong naisip nilang tuldukan na ang relasyon nila o maghiwalay na lang.

At bago ang The Hows of Us, may balita na nga na ipapareha na sila sa iba. Na posibleng ito na ang last movie nila. Although, after this success, mukhang napakalabo pa rin naman na mangyari ‘yun.

Sa tanong kung nai-imagine nila na hindi na sila magkasama sa movie, sinagot ito ni Kathryn na nakakalungkot daw.

“It’s sad. Sad po talaga kasi ilang taon kaming magkasama ni DJ pero para sa growth namin pareho, darating ka sa point na kaila­ngan niyong maghiwalay para mag-grow din ang isa’t isa.

“Ayoko lang maging selfish na dapat partner ko lang si DJ. Pero ang daming naghihintay na magandang projects for him and dara­ting ang time na magkakasama rin kami.”

Tulad ni Kathryn, halos gayundin ang sagot ni Daniel. Na magkakaroon sila ng project na iba ang kasama nila. Pero wala raw siyang nakikitang negative effect dun.

“We both need this also. It’s really normal.”

Susan ginastusan ang b-day party ni Sen. Grace

Star-studded ang naganap na 50th birthday cele­bration ni Senator Grace Poe Llamanzares na ginanap sa White Space, Makati.

As expected, pinaghalong showbiz at politics ang mga bisita ni Senator Grace. Ang tila ‘nakababatang kapatid’ na niya na si Coco Martin ay maaga raw tinapos ang taping ng Ang Probinsyano para maka-attend at hindi ma-miss ang birthday party ng kanyang Ate Grace.

Kasamang dumating ni Coco straight from the taping ang mag-amang Lito at Mark Lapid.

Dumating pa mula sa America si Martin Nievera na siyang nag-perform ng opening number. Nag-perform din ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Nandun din ang mag-asawang Sen. Tito Sotto and Ms. Helen Gamboa, Zoren Legazpi at Carmina Villarroel.

Siyempre, the movie queen, Ms. Susan Roces na pinasalamatan ni Senator Grace sa speech nito. Sey nito, “Thank you sa Probinsyano, may work ang Mommy ko na nag-sponsor ng party ko.”