Una sa Balita

Kathryn naadik sa ‘pagpapabutas’

0 323

Dinumog ng mga Pinoy ang premiere night ng ‘Hello, Love, Goodbye’ sa Dubai.

Matagal na nga raw nilang gustong makita sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Ikinuwento rin ni Kathryn na balak niyang magpa-piercing ulit sa Dubai dahil meron daw siyang pina-follow sa Instagram na magaling mag-piercing.

Aba’t tila kakaibang addiction ang naramdaman ng aktres, ha! Ang pagpapabutas ng hikaw nga ang nagugustuhan niyang gawin, na taliwas sa ibang babae na ang pagpapa-tattoo naman ang bet na bet.

Matatandaang unang beses itong nagpa-pierce kasama ang mga kaibigan nito sa ‘The Hows Of Us’ na sina Ria Atayde at Juan Miguel Severo bilang friendship goals.

Sumunod naman ay iyong kasama niya na ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla na talaga nga namang umani ng napakaraming kilig reactions.

Kuwento pa ni Kathryn noon sa interview niya sa TWBA, si DJ pa nga ang takot sa piercing pero full support parin ito kay Kathryn.

(Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy