Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kathryn, Liza kinainggitan ng Kapuso star

0 1,688

Apat na buwan na ang lockdown kaya kung ano-ano na ang naiisip na gawin ng ilan sa mga celebrity habang wala pang trabaho. Noong nakaraang buwan ay naisipan nina Kathryn Bernardo na paiksian ang kanyang buhok at sumunod naman si Liza Soberano kamakailan lang.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ngayon naman ay makikita sa TikTok ng Kapuso star na si Cassy Legaspi na pinagmamasdan niya ang bagong look ng dalawang idolo, at mukhang nainggit ito, kaya kahit ayaw niyang gupitan ang buhok niya ay naudyok na itong gayahin sina Kathryn at Liza.

Maraming netizen ang natuwa sa bagong look ng tatlong idolo nila at tila mas lalong naudyok ang karamihan na paiksian din ang kanilang buhok. (Athena Yap)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.